Sabado, Oktubre 8, 2011

Edukasyon ang Sagot


Edukasyon, Isang salitang napakahalaga. Ngunit may mga pagkakataon na ito ay hindi binibigyan nang pansin. Ako ay anak ng isang mahirap na pamilya. Ako ay panganay sa aming anim  na magkakaptid. Sa edad na bente-tres anyos  aking napagtanto kung gaano kahirap ang buhay ng taong hindi nakapag tapos nang pag-aaral. Napaka halaga pala nito sa buhay ko ngunit ito ay hindi ko binigyan ng pansin noon. Aking napag isip-isip na kahit ako ay isang anak ng mahirap na pamilya kung mayroon  akong  pinagaralan ay mayroon na rin akong  kayamanan. Ang pagkakaroon ng talino ay hindi mabibili at ito ay walang katumbas na halaga. Dahil ang pagkakaroon ng magandang kaugalian at katalinuhan ay sa loob lamang ng paaralan matututunan. Kung ako ay ipinanganak ng mahirap iyon ay hindi ko kasalanan, ngunit kung ako ay ipinanganak na mahirap at lumaking mahirap iyon ay kasalanan ko. Kaya’t gayon kahalaga ang tinatawag na “Edukasyon.”

Kung ako ay makakpag tapos  ng aking pagaaral ako ay magkakaroon ng wasto  o tamang pag iisip at magandang buhay. Ako bilang isang anak ay may karapatan na makapag tapos nang aking pagaaral. Hindi dahil sa obligasyon ko kundi  iyon lamang ang tanging paraan upang ako ay makatayo sa aking sariling mga paa. Hindi ko nais na tumandang umaasa sa aking mga magulang. Ginamit ng Panginoon ang aking  mga magulang upang ako ay lumabas sa mundo. Hindi ako inilabas nang aking magulang para buhayin habang buhay at maging pasanin. Kung tutuusin ay kulang ang buong buhay kong pag ta-trabaho para mabayaran ang pag labas ko dito sa ating mundo. Natuto akong magsulat at magbasa natuto akong maging mapag masid sa paligid ko. Mga magulang ko ang aking naging inspirasyon upang aking mapatunayan na ang edukasyon ang sagot sa kahirapan. Kung ako ay hindi nakapag-aral malamang ay isa akong pabigat sa bayan. Ngunit nabuksan ang aking isipan upang mapatunayan sa pamamagitan ng pag susulat na ang taong may pinag aralan ay may habang buhay na kayanaman.

Sa araw-araw ng buhay ko marami akong mga nakakasalamuhang tao. Ang iba ay may magandang propesyona at katayuan sa buhay. Bilang isang mamamayan ay ayokong lumaking mahirap gusto kong tumayo sa pamamagitan ng aking sariling lakas at kakayahan. Dahil naniniwala ako sa katagang binitawan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na ang kabataan ay pag asa ng ating bayan. Ako ay hindi natatakot na humarap kahit kanino dahil ako ay taong may pinag aralan at iyon ang magiging sandata ko kung sakaling dumating ang pagkakataon na ako ay kailangan nang  lumaban at humarap sa buhay. Ako ay walang magagawa kung ako ay walang pinag-aralan. Hindi ako makakapag sulat katulad ng essay na ito. Alam ko na kahit ako ay hindi perpektong  tao ay nasa katangian ko naman ang tinatawag na “Pag-asa ng bayan.” 

Kabataan Bilang Isang Bayani nasa katangian ko ba?

 Naaalala ko pa ang sinabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na ang kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan. Ngunit sa panahon natin ngayon, kabataan nga ba talaga ang pag-asa ng  ating bayan? Isang tanong na umiikot sa isipan ko sa pang araw-araw kong buhay. Ito ba ay may kasagutan? o mananatiling tanong hanggang sa hinaharap. Karapatan ng bawat kabataan na tuparin ang kanilang mga hangarin o mga pangarap sa buhay. Upang nang sa gayon ay makamit at matupad natin  ang mga pangarap na nais nang ating mga bayani para sa ating bayan. Nakakalungkot isipin na maaring umabot sa punto na ang ating bayan na kanilang ipinag tanggol sa mga mananakop ay mauwi lamang sa wala. Ano nga ba ang mga katangian na maaaring gawin ng mga kabataang katulad ko upang mag karoon ng sagot ang tanong na “Kabataan Bilang isang Bayani nasa katangian ko ba?.” Ako bilang isang kabataan, ay may magagawa para sa bayan, Alam kong wala akong magadang propesyon sa ngayon ngunit iyon ay hindi hadlang para maging isang kabataang bayani, Kung hindi ko kayang makipag laban sa pamamagitan nang baril o lakas ay may kakayahan naman ako para makapag salita at mag isip para sa mga nararanasan at nakikita ko. 


Mahalaga na matutunan ko ang pagtayo sa aking sariling mga paa. Ang mamuhay nang  responsable  bilang isang anak. Ako ay panganay  sa aming anim na mag kakapatid tungkulin kong maging isang responsableng kapatid sa kanila hindi dahil sa ginagamit ko ang aking pagiging mataas kundi iyon ang aking tungkulin bilang isang “Kuya.” Bilang isang kuya kailangan kong maipakita sa aking mga kapatid ang pagiging magalang at mapag mahal sa aking magulang dahil alam ko na ang aking mga ikini-kilos at ginagawa ay maaaring maging daan upang sila ay magkaroon ng maganda at tamang pag-iisip. Hindi man ako perpektong kapatid sa kanila at hindi ko man kayang ibigay ang mga pangunahin nilang pangangailangan kahit sa pag tuturo nang kagandahang asal at pag uugali ay makatulong ako sa kanila upang magkaroon sila ng maganda at tamang pag iisip. Dahil natatakot akong dumating ang panahon na hindi ko maituro sa kanila ang mga bagay at salita  na alam kong  maaaring maging susi para sa kanilang tagumpay sa hinaharap. Napaka laki nang aking tungkulin para sa kanila dahil alam kong darating ang panahon ay hindi na kami magkakasama-sama. Maiksi lamang ang  buhay at ayokong sayangin ang mga pagkakataon na maaari kong gawin para sa mga taong nasa paligid ko.


Kung  titingnan at susuriin ang aking sarili. Alam kong may mga pagkakataon na mali ang aking ginagawa. Dahil alam kong hindi ako perpektong  tao dahil wala naman taong perpekto. Pero alam ko sa aking sarili na may kakayahan ako na maging isang bayani ng ating bayan. Hindi man sa larangan ng paligsahan o palakasan, hindi man sa larangan ng pakikidigma. Alam ko na ako ay may ibubuga dahil ako ay kabataang may pinag-aralan na alam kong  magiging sandata ko pag dating nang panahon na ako ay kailangan nang lumaban sa buhay. Upang tuparin ang lahat nang aking pangarap at mapatunayan sa lahat na ako ay isang kabataang maaaring maging pag asa ng  ating bayan. Ako ang kabataang may dignidad na maaaring tawaging “tunay na batang Pilipino”