Sabado, Oktubre 8, 2011

Edukasyon ang Sagot


Edukasyon, Isang salitang napakahalaga. Ngunit may mga pagkakataon na ito ay hindi binibigyan nang pansin. Ako ay anak ng isang mahirap na pamilya. Ako ay panganay sa aming anim  na magkakaptid. Sa edad na bente-tres anyos  aking napagtanto kung gaano kahirap ang buhay ng taong hindi nakapag tapos nang pag-aaral. Napaka halaga pala nito sa buhay ko ngunit ito ay hindi ko binigyan ng pansin noon. Aking napag isip-isip na kahit ako ay isang anak ng mahirap na pamilya kung mayroon  akong  pinagaralan ay mayroon na rin akong  kayamanan. Ang pagkakaroon ng talino ay hindi mabibili at ito ay walang katumbas na halaga. Dahil ang pagkakaroon ng magandang kaugalian at katalinuhan ay sa loob lamang ng paaralan matututunan. Kung ako ay ipinanganak ng mahirap iyon ay hindi ko kasalanan, ngunit kung ako ay ipinanganak na mahirap at lumaking mahirap iyon ay kasalanan ko. Kaya’t gayon kahalaga ang tinatawag na “Edukasyon.”

Kung ako ay makakpag tapos  ng aking pagaaral ako ay magkakaroon ng wasto  o tamang pag iisip at magandang buhay. Ako bilang isang anak ay may karapatan na makapag tapos nang aking pagaaral. Hindi dahil sa obligasyon ko kundi  iyon lamang ang tanging paraan upang ako ay makatayo sa aking sariling mga paa. Hindi ko nais na tumandang umaasa sa aking mga magulang. Ginamit ng Panginoon ang aking  mga magulang upang ako ay lumabas sa mundo. Hindi ako inilabas nang aking magulang para buhayin habang buhay at maging pasanin. Kung tutuusin ay kulang ang buong buhay kong pag ta-trabaho para mabayaran ang pag labas ko dito sa ating mundo. Natuto akong magsulat at magbasa natuto akong maging mapag masid sa paligid ko. Mga magulang ko ang aking naging inspirasyon upang aking mapatunayan na ang edukasyon ang sagot sa kahirapan. Kung ako ay hindi nakapag-aral malamang ay isa akong pabigat sa bayan. Ngunit nabuksan ang aking isipan upang mapatunayan sa pamamagitan ng pag susulat na ang taong may pinag aralan ay may habang buhay na kayanaman.

Sa araw-araw ng buhay ko marami akong mga nakakasalamuhang tao. Ang iba ay may magandang propesyona at katayuan sa buhay. Bilang isang mamamayan ay ayokong lumaking mahirap gusto kong tumayo sa pamamagitan ng aking sariling lakas at kakayahan. Dahil naniniwala ako sa katagang binitawan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na ang kabataan ay pag asa ng ating bayan. Ako ay hindi natatakot na humarap kahit kanino dahil ako ay taong may pinag aralan at iyon ang magiging sandata ko kung sakaling dumating ang pagkakataon na ako ay kailangan nang  lumaban at humarap sa buhay. Ako ay walang magagawa kung ako ay walang pinag-aralan. Hindi ako makakapag sulat katulad ng essay na ito. Alam ko na kahit ako ay hindi perpektong  tao ay nasa katangian ko naman ang tinatawag na “Pag-asa ng bayan.” 

1 komento:

  1. Hindi sa taas ng edukasyon nasusukat ang pagkatao. Mababa man ang pinag-aralan mo kung marunong kang RUMESPETO, daig mo pa ang EDUKADO.Sakit.info

    TumugonBurahin