Naaalala ko pa ang sinabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na ang kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan. Ngunit sa panahon natin ngayon, kabataan nga ba talaga ang pag-asa ng ating bayan? Isang tanong na umiikot sa isipan ko sa pang araw-araw kong buhay. Ito ba ay may kasagutan? o mananatiling tanong hanggang sa hinaharap. Karapatan ng bawat kabataan na tuparin ang kanilang mga hangarin o mga pangarap sa buhay. Upang nang sa gayon ay makamit at matupad natin ang mga pangarap na nais nang ating mga bayani para sa ating bayan. Nakakalungkot isipin na maaring umabot sa punto na ang ating bayan na kanilang ipinag tanggol sa mga mananakop ay mauwi lamang sa wala. Ano nga ba ang mga katangian na maaaring gawin ng mga kabataang katulad ko upang mag karoon ng sagot ang tanong na “Kabataan Bilang isang Bayani nasa katangian ko ba?.” Ako bilang isang kabataan, ay may magagawa para sa bayan, Alam kong wala akong magadang propesyon sa ngayon ngunit iyon ay hindi hadlang para maging isang kabataang bayani, Kung hindi ko kayang makipag laban sa pamamagitan nang baril o lakas ay may kakayahan naman ako para makapag salita at mag isip para sa mga nararanasan at nakikita ko.
Mahalaga na matutunan ko ang pagtayo sa aking sariling mga paa. Ang mamuhay nang responsable bilang isang anak. Ako ay panganay sa aming anim na mag kakapatid tungkulin kong maging isang responsableng kapatid sa kanila hindi dahil sa ginagamit ko ang aking pagiging mataas kundi iyon ang aking tungkulin bilang isang “Kuya.” Bilang isang kuya kailangan kong maipakita sa aking mga kapatid ang pagiging magalang at mapag mahal sa aking magulang dahil alam ko na ang aking mga ikini-kilos at ginagawa ay maaaring maging daan upang sila ay magkaroon ng maganda at tamang pag-iisip. Hindi man ako perpektong kapatid sa kanila at hindi ko man kayang ibigay ang mga pangunahin nilang pangangailangan kahit sa pag tuturo nang kagandahang asal at pag uugali ay makatulong ako sa kanila upang magkaroon sila ng maganda at tamang pag iisip. Dahil natatakot akong dumating ang panahon na hindi ko maituro sa kanila ang mga bagay at salita na alam kong maaaring maging susi para sa kanilang tagumpay sa hinaharap. Napaka laki nang aking tungkulin para sa kanila dahil alam kong darating ang panahon ay hindi na kami magkakasama-sama. Maiksi lamang ang buhay at ayokong sayangin ang mga pagkakataon na maaari kong gawin para sa mga taong nasa paligid ko.
Sa unang pagkakataon susubukan kong isapubliko ang aking mga naiisip patungkol sa mga bagay-bagay na nakikita at nararansan ko.
TumugonBurahinMarahil ay wala akong sapat na kaalaman para makapagsulat. Ngunit iyon ay hindi hadlang sa akin upang makapag salita.
Malaya kong tatanggapin ang inyong mga komento positibo man ito o negatibo bukas sa aking loob upang tanggapin iyon.
Muli ay maraming salamat sa inyong pag tangkilik at pagbabasa.
Dahil sa mga nakasaad dito sa pahinang ito ako ay nakakakuha ng lakas hehehehhe..:)
TumugonBurahinayos ha :)) GODBLESS
Napakalaking tulong nto bilang isang kagaya kong kabataan napalakas nito ang aking loob bilang isang kabataan🤗
TumugonBurahin